"Mahal kita, pero PAALAM NA "
by : Maraiah Watashi
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Gumising ako ngayong araw na ikaw ang nasa isip ko. Ilang buwan na rin noong ipasiya kong itigil na ang relasyon natin. Malapit nang dumating ang ikatatlong buwan. July 15. Alam kong yun na lang naman ang hinihintay mo para maipagkalat sa lahat ng tao at sa social media sites na may bagong mahal ka na. Three months rule nga, ‘di ba? Pero alam kong ito lang ang pinapakita mo sa ibang tao. Para hindi ka magmukhang masama lalo na sa mga kaibigan ko.
Hanggang sa puntong ito dinadalaw ko pa rin ang Facebook account mo. Hindi ko alam kung ano bang hinahanap ko doon. Marahil gusto ko lang makita ang mukha mo. Sobrang namimiss na kita kahit alam kong wala na akong silbi para sa iyo. Na hindi na ako ang mahal mo at hindi na ako ang namimiss mo.
Ang buong akala ko tapos na ako sa iyo. Buong akalang hindi ka na mahal. Hiniwalayan kita dahil sa pagmamalabis mo sa kabutihang ipinakita ko sa iyo. Pero buhat nang malaman kong may iba ka, poot ang nangibabaw sa puso ko. Paanong nagawa mo sa akin to? Dahil ba sa magkalayo tayo? Ilang beses mo ding itinanggi na wala kang iba, na ako lang, na iba ako sa lahat, na mamamatay ka kung mawawala ako sa buhay mo. Ngunit anong nangyari? Buhay ka pa at may girlfriend pang bago. Hindi ko lubos maisip na ganun lang kadali lahat para sa iyo.
Oo, sinubukan ko ding makipagdate, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong ito.
Bakit? Hindi ba ako naging sapat para sa iyo? Nasakal ba kita? Sobrang naging mabait ba ako sa iyo? Alam kong dapat itigil ko na lahat ng mga katanungang ito dahil wala ka na, wala nang sasagot sa mga ito. Ngunit heto ako napapaisip pa din kung anong meron siya na wala ako kaya mo ako niloko.
Sobra sobrang sakit ang naramdaman ko. Panghihinayang hindi sa relasyon natin kundi sa araw at panahon na sinayang ko saiyo. Sobrang nagagalit ako sa sarili ko. Umpisa pa lamang ay hadlang na ang magulang ko sayo ngunit Hindi ako nakinig. Ipinagpatuloy ko pa din ang lahat at sinikap na ayusin ang relasyon mo sa magulang ko.
Nasaktan ko siya nang labis. Nabastos at nawalan ako ng pagpapahalaga sakanya dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Pero nasa huli nga talaga ang pagsisisi at masasabi na lamang na, “mother knows best” nga talaga. Buong buhay kong pagsisisihan na minsan sinaktan ko ang damdamin niya dahil sa isang katulad mo.
Well masaya ka naman na ngaun sa bago mo. Alam kong tanggap ko na ang lahat ng ito. Ngunit sumusulat ako ng blog ngaun para mailabas lang lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit upang makapagsimula na akong muli At matapos na lahat ng paghihirap ko sa pagmamahal ko saiyo.
Ipagdarasal ko na lamang na sana, maayos mo na ang buhay mo at maging tunay kang masaya sa piling niya.
Nagpapasalamat ako sa pamilya mo dahil alam kong kahit wala na tayo ay ganun pa din ang trato nila sa akin. Isang kapamilya, kapatid.
Nagpapasalamat na din ako saiyo. Na minsan ipinaramdam mo ang pagmamahal mo kahit milya milya ang layo natin sa isa’t isa.
Mahal pa rin kita, pero paalam na
#MArayangNAsaktan
#MarayangIniwan