"Iba't ibang nararamdaman kung ikaw ay umiibig"
by : Maraiah Watashi
by : Maraiah Watashi
IKA nga nila, pagdating sa pag-ibig marami ang naloloka. Naloloka dahil iba’t ibang damdamin na hindi naman maipaliwanag ang kanilang nararamdaman. Pero sabi naman ng mga romantiko, tanging puso lang daw ang nakakaalam kung ito ba ay pag-ibig o paglilibang lang.
Kaya kung nais malaman kung talagang pag-ibig na ang nararamdaman, narito ang ilang tips!
BILIS NG TIBOK NG DIBDIB–––Sabi nga nila kapag pag-ibig na talaga ang nadarama, tiyak na tuwing makikita ang taong pinaglalaanan ng damdaming ito, asahang ang bilis ng tibok ng dibdib ay bumibilis ng doble. ‘Yan ay dahil sa magkahalong pakiramdam tulad ng saya excitement, kilig at kung ano-ano pa.
PANLALAMBOT EFFECT–––Ang tunay na pag-ibig ay nagdudulot ng panginginig, panlalambot at kung ano-ano pang damdamin lalo kapag ang mahal ang kanilang katabi.
SILA LANG ANG NAIS NA MAKASAMA–––Madalas kapag in love ang sinuman, asahang ang kanilang mundo ay iikot lang sa taong nais nilang makasama sa bawat sandali. Kaya nga ‘di ba minsan, nase-set aside ang ibang mahal sa buhay dahil na rin sa katotohanang ang iyong mundo ay hindi na para sa kanila kundi higit sa taong pinaglalaanan na ng kanilang buhay.
WALANG IBANG NAIS KUNDI ANG PASAYAHIN SILA–––Ang tunay na pag-ibig ay hindi nananakit, hindi nagpapaiyak at lalong hindi nang-aabuso. Dahil ang tanging nalalaman ng taong tunay na nagmamahal ay kung papaano nila mapapasaya ang kanilang kapareha.
KAKULANGAN KAPAG WALA SILA–––Sounds corny pero totoong ang taong tunay na nagmamahal ay walang ibang hangad kundi ang makasama ang kanilang pinakamamahal. ‘Yun bang pakiramdam na hindi lang magkita ng ilang araw ay nagkakaiyakan na kapag muling nagkita at nagkasama? Corny mang pakinggan pero ‘yan ang totoo.
LAHAT AY NASASABI SA KANILA––––Ang tunay na pag-ibig ay walang sikreto o lihim.
Kumbaga, lahat ng bagay ay napag-uusapan. Hindi lang kasi bilang nagmamahalan ang kanilang turingan kundi magkaibigang magkaagapay sa lahat ng pagkakataon.
KAPAG SINABI ANG ‘I LOVE YOU’ TOTOO–––Ika nga, madaling sabihin ang mga katagang ‘I love you’ o ‘mahal kita’ pero ang panindigan ito ay mahirap at kailangan ng maraming mga patunay. Pero sa tunay na nagmamahal, ang pagsasabi ng mga katagang ito ay nararamdaman at sumusuot sa kaibuturan ninuman.
So yan. May natutunan na naman kayo kay aling Maruya 😀😀
Sa susunod ulit 😁
No comments:
Post a Comment