"Paano mo malalaman na INLOVE KA "
by : Maraiah Watashi
Narito ang ilan sa mga senyales o sintomas na based on experience na ikaw ay posibleng nahuhulog na sa kanya.
* Hanggang langit ang saya mo kapag nandyan lang siya at parang gusto mong tumigil ang oras kapag kasama mo siya. Yung tipong ayaw mo na siyang pauwiin sa kanila at gagawa at gagawa ka ng paraan para mapatagal pa ang oras ng pagsasama niyo, tulad ng pagsakay sa MRT mula Taft hanggang North Edsa vice versa infinite ride hanggang magsarado.
* Komportable ka sa kanya pero di mo maiwasang mahiya at kabahan na tipong bumibilis ang tibok ng puso mo, parang nakasakay sa Space Shuttle na walang seat belt pero sa loob loob mo may namumuong kilig na ewan na hindi maipaliwanag.
* Nag-aasaran kayo, inaasar ka niya, inaasar mo siya, kahit tawagin ka niyang panget okay lang sayo dahil alam niyo sa isa’t isa na yung asaran na yun ay nagiging lambingan niyo na. Ang cute di ba?
* May mga pagkakataong nagiging #medyostalker ka, gusto mo lagi mong inaabangan yung mga posts niya sa Facebook, nagba-back read ka ng mga tweets at wala kang pinalagpas na picture niya sa Instagram na hindi mo nila-LIKE. Weird, pero normal na pagdaanan mo ang stage na yan.
* Habang binabasa mo ang blog na’to naiisip mo siya.
Meron siyang sariling notification alert sound sa text o ibang app messaging sa phone mo para sa tunog pa lang alam mo nang siya ang nag-message sayo.
* Napapangiti ka na lang mag-isa kapag gamit mo ang phone mo, kahit magmukha kang tanga sa mga katabi mo at sa ibang nakakakita sayo, okay lang.
* Gusto mong malaman yung mga personal na katayuan niya sa buhay, tulad ng kung anong middle name niya, paborito niyang ulam, family background, childhood memories, at kahit ano pang ikwento niya sayo, gustong gusto mong makinig o makabasa ng message kahit abutin pa kayo ng madaling araw.
* Kapag nagme-message ka sa kanya ng “kumaen ka na?”, okay lang yun pero yung may kasunod na “Huwag ka papagutom,” yun!
* Minsan isang gabi nakatulugan mo siya habang kausap sa phone o ka-chat, pero kinaumagahan, super sorry ka sa kanya kahit wala lang sa kanya yun.
* May isang bagay kayong napagkakasunduang pagkwentuhan tuwing magkikita kayo o magkakausap sa phone, wala sa kung maliit o malaki o sa kung gaano kaimportante ang mga bagay na pinag-uusapan niyo, mula sa kwentong balakubak hanggang sa paborito niyong tv show, basta ang mahalaga sayo, nakakausap mo siya.
* May mga kanta na kapag naririnig mo bigla mo siyang naalala.
* Ayaw mong matapos ang araw na hindi mo siya nakakausap o kahit text at chat man lang. Dahil siya na ang naging “good” sa night at morning mo.
* Kapag nagkwento siya sayo ng mga bagay na alam niyang mate-turn off ka sa kanya at hindi ka na-turn off. Isa lang yan sa mga signs na unconditonal love yang nararamdaman mo para sa kanya.
* Nakakaramdam ka ng selos, lalo na kapag kasama niya yung mga close friends niya kasi iniisip mo na sana nandun ka o sana ikaw na lang ang kasama niya. – #medyoselfish
* Kinikilig ka lagpas atmostphere (o kahit konti) sa korni jokes at banat niya sayo. * Tanungin ka ba naman niya ng, “Anong tawag sa maliit na pusit? …edi psst!” π
* Simpleng lugar lang ang mga pinupuntahan niyo pero kapag kasama mo siya para sa’yo ay nagiging espeyal.
* Nakapunta ka sa blog na’to at kanina ka pa pangiti-ngiti dyan.
Ngayon alam mo na. Nasa sa iyo na yan kung paano mo ipagtatapat yan sa taong mahal mo. Pero tandaan mo senyales lang yan na “ikaw ay naiin-love na sa kanya” hindi ng “siya ay naiin-love sayo.” π
Minsan tatanungin mo sa sarili, anong meron sa kanya at kinahumalingan mo ng lubos na tila napana ka ni Kupido ng paulit-ulit. Ang pag-ibig nga naman… ang sabi ng iba Love is blind, ang sabi naman ng ilan Love is not blind. We just don’t see things like love does. π
BONUS NI ALING MARAYA – Nakagawa ka ng ganitong klaseng blog na tungkol sa pag-ibig, agad agad, biglaan at walang intro-intro pang nalalaman πππ
#ImInlove
#YesIDo
No comments:
Post a Comment