Kapwa mabait ang mag-asawang Mang Dodong at Aling Iska. Si Mang Dodong ay magbubukid at si Aling Iska ay burdadora. Pareho silang masisipag. Sumisikat pa lang ang araw ay gising na sila. Matapos na matapos kumain at makapagpahinga ay nagpupunta kaagad sa bukid si Mang Dodong. Si Aling Iska naman ay nagbuburda na kaagad ng mga barong ipinalalako niya sa pamilihan. Maraming napagbibilhan sa palay at binurdahang baro ang mag-asawa. Tahimik at masaya na ang kanilang pamilya.
Wednesday, 29 April 2020
Tuesday, 28 April 2020
Alamat ng Maalat na Dagat
Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran.
Monday, 27 April 2020
Alamat ng Lindol
Noong unang panahon, may isang higanteng naninirahan sa isang malaking kweba sa mga lalawigang Bulubundukin. Siya si Indol. Titingalain mo siya sa tangkad niya. Katatakutan mo siya sa napakalaking pangangatawan niya. Lubos na mapang-api si Indol. Kung ikaw ay kaiinisan ay bubuhatin at ibabalibag ka niya. Masuwerte ka kung sa putikan ka babagsak. Kung sa batong nakausli ay magkakabali-bali ang iyong kaawa-awang katawan. Nakikisama na lahg ang mga tao kay Indol. Sa takot nilang mapaaga ang kamatayan ay pumapayag na silang paalipin sa buhong na dambuhala.
Sunday, 26 April 2020
Alamat ng Kawayan
Noong unang panahon, ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito at laging taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang-sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at laging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalalaluan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya sapagkat tumatawag siya ng kaibigang handang maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Saturday, 25 April 2020
Alamat ng Kasoy
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Ada ng kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.
Friday, 24 April 2020
Alamat ng Ilog Pasig
Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.
Thursday, 23 April 2020
Alamat ng Ilang Ilang
Maraming nagtataka kung bakit hile-hilera ang di mabilang na puno ng ilang-ilang sa Pampang sa Ilog ng Pancipit.
Ang ilog ay homuhoho sa Look ng Balayan. Ang tubig ay galling sa Lawa ng Taal.
Balita ang Ilog Pancipit sa mga isdang-tabang na nahuhuli rito tulad ng maliputo, lumulukso, at tawilis na di nakikita sa alinmang dagat ng Pilipinas. Makasaysayan ang ilog sapagkat si Salcedo na apo ni Legaspi ay diti nasugatan sa pakikipaglaban sa mga negritong pawing nasasandatahan ng makamandag ng palaso.
Wednesday, 22 April 2020
Alamat ng Ibong Bahaw
Sa isang malayong nayon, ay may nakatirang mag-inang sina Maria at Juan. Ilang buwan pa lamang na kasisilang ni Juan ay namatay na ang kanyang ama. Napataw sa balikat ni Aling Maria ang mabigat na tungkulin ng isang ama at ng isang ina. Gayunman ay nagsumikap siyang maibigay kay Juan ang buo niyang pagtingin at pagmamahal.
Tuesday, 21 April 2020
Alamat ng Hagdan Hagdan Palayan
Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi ng lider, "Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?" Si G. Malintong ang guro ay sumagot, "Ikinalulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan."
Monday, 20 April 2020
Alamat ng Gagamba
Si Gamba ay isang manghahabi. Siya ang pinakamahusay sa lahat ng manghahabi sa kanilang komunidad.
Sapagkat alam niyang siya ang pinakamagaling, taas noo siya at walang sinumang pinapansin.
"Ate, pahiramin mo naman ako ng karayom na pamburda mo. Pwede ba Ate?"
Galit na umangil si Gamba, "Lumayu-layo ka nga rito. Huwag mong mahiram-hiram ang pamburda ko. Baka masira lang ito, wala kang perang ipambayad dito. Layo!"
Sunday, 19 April 2020
Alamat ng Daliri
Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga daliri natin. Noong unang panahon magkakasama ang limang daliri ng tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo ay nagkaroon ng aberya ang grupo.
Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit kaya nagmamakaawa itong lumapit sa Palasingsingan.
Saturday, 18 April 2020
Alamat ng Chocolate Hills
Friday, 17 April 2020
Alamat ng Buwan at mga Butuin
tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.
Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.
Thursday, 16 April 2020
Alamat ng Butiki
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Wednesday, 15 April 2020
Alamat ng Bundok Banahaw
Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw ay meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.
Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang naging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas.
Tuesday, 14 April 2020
Alamat ng Bundok Arayat
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Monday, 13 April 2020
Alamat ng Bulkang Taal
Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.
Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.
Sunday, 12 April 2020
Alamat ng Bulkang Pinatubo
Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.
Saturday, 11 April 2020
Alamat ng Bulkang Mayon
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga."
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.
Friday, 10 April 2020
Ang Alamat ng Kanlaon
Ang mga taga-Negros sa Bisayas noong araw ay namumuhay na tiwasay at mariwasa. Ang pangalan ng kanilang hari ay Laon, isang taong may magandang kalooban. Ang mga tao roon ay nagsisigawa sa kanyang bukid at sila'y kahati sa ani.
Isang araw ay umuulan, at ang ulan ay lumakas ng lumakas hanggang sa bumaba sa bukid; anupa't ang tubig ay umapaw hanggang tuhod, at tumaas hanggang baywang, at nagpatuly ng paglaki hanggang liig.
Ang mga tao ay natigatig at naisip nila na masisira ang kanilang mga pananim.
Thursday, 9 April 2020
Alamat ng Bayabas
Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.
Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.
Wednesday, 8 April 2020
Alamat ng Bawang
Mapag-aruga at mapagmahal na ina si Uganda.
Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na mapalaking mabait ang kaisa-isang anak na si Kulala.
Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kaniyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung patay na ang isa sa mga magulang niya.
Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang mamatay ang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag-iisa na siya ay hindi na niya inisip mag-asawa. Pinagsikapan niyang palakihin sa mabuting asal si Kulala. Sa sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit si Uganda sa anak. Nais niyang makapag-asawa ito ng mayaman upang malayo sa karalitaang kanilang naranasan.
Tuesday, 7 April 2020
Alamat ng Batangas
Si Gat Pulintan ang kinikilalang hari ng makapangyarihang balangay ng Kumintang. Kumintang ang itinawag sa balangay na yaon pagka't ang mga binata't dalaga roo'y laging umaawit ng kundimang ganyan ang pamagat. Tulad ng mga binata't dalaga, ang mga impo at lolo ay umaawit din niyan sa pagpapatulog ng kanilang mga apo. Ginagamit din ito ng mga magulang na panghele sa kanilang mga bunso.
Si Gat Pulintan ay may isang anak, si Marikit. Napabilang sa kanyang mga tagahanga si Batumbakal ng balangay ng Taal sa talpukan ng Lawang Bumbon.
Monday, 6 April 2020
Alamat ng Bahaghari
Noong unang panahon may mag-asawang Manobo na naninirihan sa baybayin ng mga Isla ng Saranggani. Bagama't maginhawa ang kabuhayan, malungkot ang mag-asawa sapagkat hindi sila biniyayaan ng kahit na isang anak man lamang. Lahat ng uri ng mga halamang gamot na ipinayo sa kanila ay walang naidulot na mabuting epekto. Ito ang dahilan kung kaya malungkut na malungkot ang dalawa.
Sumangguni sila sa mga nakatatanda na nagpayong, "Kung hindi magamot ng tao, Diyos ang balingan ninyo."
Nagpasyang makipagkita kay Walian ang mag-asawa. Ang Esperatista ay nagdasal upang ihatid ng Diwata ng Pagdadalangtao ang kanilang kahilingan. Ilang buwan lang ang nakaraan ay tuwang-tuwa nang ibinalita ng babae sa asawa na siya ay buntis na. Nagpasalamat ang mag-asawa kay Bathala sa magandang handog sa kanila.
Isang malusog na sanggol na babae ang naging supling nila na pinangalanang Blunto. Lumaking napakaganda nito. Ipinagkakapuri ng mga tribung Manobo ang angking kariktan ni Blunto.
Bukod sa ganda, masipag na masipag din ang dalagita. Tinamnan niya ng makukulay na bulaklak ang paligid ng bahay nila. Magaganda ang lumaking mga rosas, ilang-ilang at kamya. Nakakatawag pansin ang bugambilya, santan at ehampaea. Nakakabighani rin ang rosal, dama de noehe at orkidya.
Parang may magneto ang mga kamay niya. Bawat halamang madiligan ay pinamumulaklakan. Bawat bulaklak na bumukadkad ay kinagigiliwan. Lagi nang nagpapasalamat si Blunto sa Araw at Buwan sa pagtanglaw nila sa mga bulaklak dumilim man o lumiwanag.
Isang gabi, habang pinanonood ni Blunto ang marahang pamumukadkad ng mga bulaklak ay nagulat siya sa isang parang panaginip na nabanaagan niya mula sa dagat-dagatan. Hindi siya nagkakamali. Isang makisig na binata ang sakay ng isang puting kabayong lumilipad sa alapaap.
Hindi alam ni Blunto na ang Araw at Buwang pinasalamatan na Hari at Reyna ng Kaitaasan ay natanawan siyang namimintana sa kanilang tinitirhan. Alam nilang mabuti ang kalooban ni Blunto na angkop na makilala ng kaisa-isa nilang anak. Iyon ang dahilan kaya parang panaginip na ipinatanaw nila sa dalagita ang katauhan ng anak nila.
Maya-maya pa ay biglang naglaho ang papalapit na sanang binata. Kinaumagahan, iniisip-isip ni Blunto kung panaginip nga lang ba ang nakita niyang makisig na binata, at puting kabayong lumilipad sa alapaap?
Isang umagang nagdidilig ng mga bulaklak si Blunto ay binulaga siya ng isang tinig. Paglingon niya ay hindi siya makapaniwala. Ang lalaking makisig sa kaniyang panaginip ang kaharap niya. Nakikiusap itong makikiinom sa matinding uhaw sa pamamasyal. Hindi na inusisa pa ng dalaga kung saan galing ang kausap niya. Para sa kaniya, sapat nang masaya siya habang kinakausap ng bisita.
Nakipagkilala ang makisig na binata. Sinabi nitong sa isang napakalayong lugar siya nakatira na mahirap puntahan ninuman. Naging pala-isipan kay Blunto ang misteryosong binata. Hindi na niya itinanong kung ito nga ba yung binatang nakasakay sa puting kabayong lumilipad sa alapaap. Sapagkat nahihiya naman siyang sundan at tingnan kung nasaan ang may pakpak na kabayo, nakuntento na siyang nakita niya ang maamong mukha at nangungusap na mga mata ng isang binatang taos pusong iibigin niya.
Laging hinihintay ni Blunto ang paglubog ng araw. Nangangahulugan kasi itong maaari na namang maligaw sa hardin niya ang makisig at mabait na binatang tinitingala niya.
Hindi nagkamali ng sapantaha ang dalagita. Tuwing hapon nga ay dinadalaw siya ng panauhin niya. Lubos na napagsino ni Blunto ang kabaitan at katapatan ng binata. Ang makisig na panauhin ay nabighani rin sa kagandahan ni Blunto. Bukod sa panlabas na anyo, ang binata ay humanga sa natural na pag-uugali ng dalagita. Matapat at simpleng-simple lang ang mga gawi nito. Mapagkakatiwalaan mo si Blunto. Naniniwala ang makisig na binata na hindi panlabas na anyo ang dapat maging husgahan ng isang nagmamahal. Kailangang may katuwaan ka sa puso kapag kasama mo ang dalagang pakakasalan mo. Kailangang iisa ang tinatanaw ninyong pangarap. Kailangang gusto mo siyang makasama sa buhay at kamatayan.
Pero bata pa si Blunto upang tumanggap ng seryosong pakikipag-ibigan. Sapagkat wagas ang pagmamahal, matagal ding naghintay ang binata.
Ilang taon din ang binilang bago tanggapin ni Blunto ang pag-ibig ng binata.
Nang sagutin siya ng matamis na oo ay ipinagtapat ng misteryosong ginoo ang kaniyang tunay na katauhan.
"Blunto, mahal ko, gusto kong malaman mo kung sino talaga ako."
Sinabi ng binata na anak siya ng Haring Araw at Reyna Buwan. Na bumaba siya sa lupang sakay ng puting kabayong may pakpak mula sa kaitaasan. Na ipinadala siya ng mga magulang upang ipasabi sa dalagang nakararating sa kanila ang mga dasal ng pasasalamat na siyang dahilan upang ang mga tanim niya ay mag-usbong at mamulaklak. Na natutuwa ang mga magulang niya sa pagkakaroon ng isang nilalang sa daigdig na may busilak na kaloobang hindi mapapantayan ng anumang kayamanan.
Binanggit din ng binata na alam na ng mga magulang niya ang damdamin nito sa dalaga. Na siya ay umiibig nang wagas kay Blunto. Na ipagsasama niya ang dalaga upang pakasalan sa kanilang kaharian sa kaitaasan.
Nang pituhan ng binata ang puting kabayo na nagkakanlong sa mga puno ay naniwala na si Blunto sa sinasabi ng binata. Totoo nga palang may puting pakpak ang kabayo na katulad sa panaginip na nabanaagan niya maraming taon na ang nakaraan.
"Hindi panaginip ang nakita mo, mahal ko. Ako yon na nagpakita sa iyo mula sa alapaap sa ibabaw ng dagat!"
Sapagkat matagal nang minahal ni Blunto ang misteryosong mangingibig ay pinakiusapan niya itong ipagpaalam siya sa mga magulang.
Sapagkat parang kabubukadkad pa lang na bulaklak si Blunto kaya tumutol ang mga magulang niya sa pagpa-paalam. Ayaw mawalay ng mga magulang ang nag-iisa nilang anak.
Nagtangkang magtanan ang magsing-irog pero nahuli sila. Lalo tuloy hinigpitan ang dalaga. Bilang parusa, ikinulong si Blunto sa bahay nila at itinaboy ang misteryosong binata. Sa sobrang kaiungkutan, ang dalaga ay nagkasakit. Lubos na nag-alala ang kasintahan niya. Kahit na anong sibat ang iharang ay nagmamakaawa pa rin itong dalawin ang kasintahan. Sa pagpupumilit ng binata ay naaawa naman ang mga magulang ni Blunto. Ibinase nila ang pagpapalaya sa anak sa matapat na pag-ibig ng binata. Sa takot na baka magkasakit na muli ang kaisa-isang anak ay pumayag na silang iuwi ng binata sa kaharian ng Araw at Buwan ang kaisa-isa nilang anak na pinakamamahal.
Nanindigan ang mga magulang ni Blunto na kailangan munang maikasal sa lupa ang dalawa bago umalis papuntang kaitaasan.
Simple subalit makabagbag-damdamin ang idinaos na kasalan. Magkahalong lungkot at saya ang nadama ng mga magulang ni Blunto. Saya na may makakatuwang na sa hirap at ginhawa ang anak nila. Lungkot, sapagkat maialayo na ang tanging anak na pinanggagalingan ng kanilang katuwaan sa araw-araw.
Pagkatapus na pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam na ang mga bagong kasal. Sakay ng puting kabayong maglilipad sa kanila sa kaitaasan, dala-dala nila ang makukulay na bulaklak na pararamihin nila sa kaitaasan.
"Ama, Ina," luhaang pagpapaalam ni Blunto, "kung malulungkot po kayo ay tumingin kayo sa kalangitan at tiyak na makikita ninyo ang mga bulaklak na tanim ko. Kapag nakita ninyo ang mga makukulay na arko ng mga bulaklak ay tiyak na naroroon ako at tinatanaw ko kayo."
Mahigpit na niyakap ng mga magulang ang kaisa-isang anak at matapat na kinamayan ang manugang nila. Sa isang kisapmata ay nasa kalawakan na ang mga bagong kasal na kumakaway sa mga Manobong nagsisipagbunyi.
Ilang araw lang ang lumipas ay malungkot na ang ama at ina ni Blunto. Subalit tulad ng pangako ng anak ay matatanaw nga naman sa kaitaasan ang arko ng mga bulaklak na sa lupa ay parang makulay na bahag ng hari. Bagama't pinanginginigan ang mga labi ng kalungkutan ay mapapansin din naman ang katuwaan sa mga mukha ng mga magulang. Habang tumatagal ay lalong nagiging makulay ang bahaghari ng kalikasan.
Iyan ang alamat ng Bahaghari ng mga taga-Isla Saranggani sa Mindanaw.
Sunday, 5 April 2020
Alamat ng Aso
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.
Ang ama na si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.
Samantalang ang ina naman na si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sina Maria at Jose.
Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ng pamilya.
At sa paglipas ng panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.
Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubas, naging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.
Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.
Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa.
At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.
Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.
"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria.
"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose.
Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.
Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.
Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol.
Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.
Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.
Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.
Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.
"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.
Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.
"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon.
Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.
At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.
At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.
Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito sa mga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.
Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.
Kaya't maging maingat tayong makasakit ng ibang tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hindi marunong magmahal na tulad ni Magda.
Saturday, 4 April 2020
Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin
Noong unang panahon ang paligid ay pawang kaliwanagan. Wala pa noong gabi sapagkat laging magkasama ang Araw at ang Buwan.
Bilang mag-asawa, pala-utos ang Araw sa Buwan. Hindi nito binibigyan ng kapantay na karapatan ang Ina ng Tahanan. Sobra naman sa bait si Buwan. Lahat ng utos ni Araw ay sinusunod niya. Kahit na ang ipinag-uutos ay dapat na suriin at pabulaanan.
Minsang magbalak mamasyal si Araw ay inutusan niya si Buwang ipaglaga siya ng mga dahon ng gabi.
"Kailangang puno ng nilagang dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!" utos ni Araw sa nahihintakutang si Buwan.
"Pe... pero tiyak na uurong ang mga dahon ng gabing ilalaga ko," marahang paliwanag ng Buwan na mistulang sunud-sunuran sa kaniyang asawang naghahari-harian.
"Basta tiyakin mong puno ng dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!" pasigaw na diin ng Araw sa nanginginig na maybahay.
Nag-iiyak nang nag-iiyak ang Buwan. Alam niyang hindi mapupuno ang palayok kapag nilaga sa kalan. Sapagkat lubos na mabait ang Buwan, pinagtiyagaan niyang lutuing mabuti ang mga dahon ng gabi. Pero kahit sikaping mapuno ang palayok ay hindi niya ito magawa. Lagi at laging may bakante pa ring lugar sa loob ng palayok na pinagpapakuluan.
Nang magbalik ang Araw at itanong ang mga dahon ng gabi ay napaihng ang Buwan.
"Gi...ginawa kong lahat ang makakaya ko pe....pero hindi ko mapunu-puno ang palayok sapagkat umuurong ang mga dahon ng gabing inilalaga ko."
"Laging ganiyan ka!" panumbat ng Araw. "Noong isang linggo pinapalitan ko sa iyo ng ibang kulay ang asul na karagatan pero di ka man lang nakasunod sa aking kautusan! At hindi ba pinakiusapan din kitang pantayin ang lahat ng burol at bundok sa kanluran pero ano ang ginawa mo? Ipinagkibit balikat mo lang ang utos ko!"
"Asawa mo ako at di utusan!" ngumatal ang boses ng galit na galit na Buwan. "Pantay lang ang ating karapatan. Kung utusan ang turing mo sa akin, mabuti pang tayo ay maghiwalay."
"Aba, kung yan ang gusto mo ay susundin ko," taas noong sagot ni Araw.
"Ako ang ina ng mga bata kaya kailangang sa akin sila sumama."
"Para mamatay sa lamig mo?" nanghahamong tugon ng Araw.
"Paano kung isasama mo sila? Tiyak na mamamatay sila sa sobrang init mo!"
"Sa akin dapat sumama ang mga bata. Ako ang ama nila!"
"Ako ang ina na laging kayakap nila!"
Nag-away ang dalawa. Sa paghahatakan nila sa mga anak ay nahulog ang mga bata sa kalawakan. Mabilis na hinabol ng Buwan ang mga anak na naging kumpol ng Bituin sa kalangitan. Ang Araw ay kuntento namang naghihintay na lamang sa kaniyang makinang na
trono sa kalangitan. Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng asawa at mga anak.
Mapapansing sa umaga at katanghalian matatanaw natin ang mapagmalaki at magagaliting Araw sa kalangitan.
Sa gabi naman, makikita natin ang malamlam na liwanag ng Buwan at kikislap-kislap na mga Bituin sa kaitaasan.
Friday, 3 April 2020
Alamat ng Apoy
Noong unang panahon, wala kang mapapansing apoy sa paligid. Ang tanging apoy na makikita mo ay binabantayan ng dalawang higante sa isang malaking yungib.
Gustung-gusto ng mga taong magkaroon ng apoy upang ang kadiliman ng gabi ay maliwanagan. Pero mahigpit magbantay ang dalawang higante. Ayaw nilang magbigay ng apoy kaninuman.
Tanging ang maabilidad na si Lam-ang ang nakaisip ng paraan. Tinawag niya ang ilang hayop na kaibigan. Sinabi niya ang isang plano kung paano makaaamot ng apoy na inaasam-asam.
Pinatayo ni Lam-ang ang Palaka sa kabukiran. Pinatindig niya ang Kabayo sa paanan ng bundok. Pinagbantay niya ang Alamid sa buhanginan. Pinaghintay niya ang Aso sa palanas. Pinagmanman niya ang Baboy-Damo sa lambak na malapit sa kwebang tirahan ng mga higante.
Matapos suriin ang katauhan ng dalawang kinakatakutang nilalang, nahinuha ni Lam-ang na totoo ngang mapanganib na kalabanin ang mga higante pero may puso rin ang mga ito kung pakikipagkaibigan ang layunin ng tao. Sinikap na kaibiganin ni Lam-ang ang dalawang nalulungkot na nilalang. Nang makuha niya ang simpatiya ng dalawang higante ay sinabi niya ang hinaing ng mga tao.
"Kailangang-kailangan ng mga kababayan ko ang munting titis ng apoy na binabantayan ninyo. Maaaring bang umamot sa inyo ng kahit katiting man lang nito?"
Napakunot ng noo ang dalawang higante, "Bantay kami ng apoy na ito. Ikinalulungkot naming hindi ka mabibigyan ng kahit na maliit na ningas nito."
"Maawa na kayo sa mga tao. Mapapabuti ng apoy ninyo ang kabuhayan ng mga kalahi ko."
"Akala ko ay nakikipagkaibigan ka, bakit kailangang ipakiusap ang hiling ng mga kalahi mo?" nagtatakang usisa ng unang higante.
"Katulad ka rin ng iba na may masamang layunin sa paglapit sa amin. Naiiba ka lang sa kanila sapagkat nakipagkaibigan ka muna bago ipinilit ang masamang layunin," nagngangalit ang mga ngiping sabi ng ikalawang higante.
"Kaaway ka rin namin! Kaaway! Kaaway!"
Nang mapansin ni Lam-ang na nanginginig ang mga baba at nawala ang pagtitiwala ng mga higante ay inunahan na niya ang mga ito sa pagtayo. Mula sa pintuan ng kweba ay kaagad siyang humudyat sa Baboy-Damo na biglang umatungal. Umalulong kaagad ang Aso sa palanas. Humiyaw ang Alamid sa buhanginan. Humalinghing ang Kabayo sa paanan ng bundok at kumokak nang kumokak ang Palaka sa kabukiran.
Lalong pinagbuti ng mga hayop ang sama-samang pambubulahaw. Pinagsabay-sabay nila ang malalakas nilang tinig na pilit na isinisigaw. Gusto nilang tulungan si Lam-ang. Gusto rin nilang tulungan ang lahat ng tao sa sandaigdigan. Ang maliit na titis ng apoy ay simula ng isang bagong kinabukasan. Ang pinagsama-samang atungal, alulong, ngiyaw, halinghing at kokak ay lubhang tumakot sa nanginginig na mga higante na napatakbong palabas sa kweba.
Mabilis na nagpasiya si Lam-ang. Kaagad siyang nagnakaw ng maliit na titis ng apoy. Itinakbo niya itong papalabas pero nakita siya ng mga higante na galit na galit na humabol. Lalong binilisan ni Lam-ang ang pagtakbo. Tiyak na papatayin siya ng dalawang higante kapag inabutan sa daan. Tumakbo siya nang tumakbo. Hapung-hapo na siya subalit gusto niyang mapagwagian ang apoy na ipinakikipaglaban alang-alang sa sandaigdigan. Babagsak na sana siya sa pagod nang dali-daling maabot ng naghihintay na Baboy-Damo ang nagniningning na titis ng apoy. Umaatikabong habulan na naman ang naganap. Aabutan na sana ng mga higante ang Baboy-Damo nang mahawakan ng umaalulong na Aso sa palanas ang nagdiringas na apoy. Habulan uli. Lawit na ang dila ng Aso sa kakatakbo pero pinanindigan nito ang pagtulong sa mga tao. Bibigay na sana ang hilahod na Aso nang abutin naman ng nagngingingiyaw na Alamid sa buhanginan ang nagliliyab pang apoy. Sige pa rin ito sa pagtakbo. Sige rin ang dalawang higante sa paghabol dito. Habang napapagod ay lalong lumalakas ang dalawang dambuhala. Mabibilis pa rin ang mga higante. Paspas din sa pagtakbo ang Alamid na animo hangin sa bilis. Matagal ang habulan. Hapo na ang Alamid pero kapag naiisip ang pagtulong kay Lam-ang at sa daigdig ay nag-iibayo ang sigasig nito. Hihimatayin na sana ang Alamid nang parang buhawing agawin ng Palaka sa kabukiran ang aandap-andap na titis na apoy. Mabilis pa sa alas-kwatrong tumalon nang tumalon ang palaka. Mataas ang talon nito papalayo sa nag-aalborotong higante. Sa laki ng mga hakbang ng dalawang dambuhala ay naabutan nila ang palaka at nahawakan ang mahabang buntot nito. Inisip ng Palaka ang pangako nito na pagtulong kay Lam-ang at sandaigdigan kaya ubod lakas pa rin itong nagtatalon na ikinaputol ng kanyang buntot. Sa pagsisikap na marating ang mga tao ay isang napakataas na pagtalon ang ginawa nito na naging dahilan upang makuha ng sandaigdigan ang maliit na titis ng apoy. Ang buong lakas na pagtalon ang ikinaluwa ng mga mata ng pobreng Palaka.
Naabot ng mga tao ang apoy na nagpaunlad sa sandaigdigan.
"Mabuhay si Lam-ang!" sigaw ng kalalakihan.
"Mabuhay ang apoy ng tagumpay!" pagbubunyi ng kababaihan.
Sa pagkapahiya ng mga higante ay nagbalik sila at nagkulong sa kanilang kweba.
Iyan ang simula ng pagkakaroon ng apoy sa daigdig.
apoy
Thursday, 2 April 2020
Ang Alamat ng Ampalaya
NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.
ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay. Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang bugnuting si Ampalaya!
ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng Araw.
"Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng Lupa.
"A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig.
"Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin.
"Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya.
Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
Wednesday, 1 April 2020
Ang Alamat ng Alagaw
Noong ikalabinlimang dantaon, humigit-kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangas tulad sa ngayon ay di pa lalawigang natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba't ibang raha at lakan. Nang panahong iyon ay kaylimit salakayin ng mga Moro ang baybay-dagat ng Balayan pati ng Hog Pansipit. Dahil dito'y nagsanib ang mga munting balangay upang magdamayan at isailalim ng pangangasiwa ng lalong matapang at makapangyarihang lakan. Ang Taal ang pinakamatibay na moog laban sa Kamorohan.
Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang Binatang Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kanyang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito: "Minamahal kong Marikit, sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating matanda ng Balangay ay di maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling iniatas ng ating balangay."
"Oo, lilisan kang baon mo ang aking pagmamahal."
Si Marahas ay nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aaruga ang isang halamang ituring mo ring ako - ang aking sarili. Kung ako ay masawi ito'y malalanta. Kayk siya'y diligin mo at pag-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."
Naghiwalay sila.
Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galing kay Marahas. Patuloy rin nang pagmamalasakit si Marikit sa halamang iniwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalaala ng kanyang katapatan.
Isang araw, ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik sa digmaan ay nagbalita at nagpatotoong si Marahas, ay nasawi, nguni't nasawing taglayang karangalan sapagka't sila'y nagtagumpay naman. Umuwi si Marikit na ang puso'y halos naawalat sa kapighatian. Ang kanyang tanging aliw lamang sa sarili ay.ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.
Gabi't araw ay dinilig niya ang halaman ng mga patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga, ang halaman ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masinsin, at namulaklak.
Si Marikit ay naging masasaktin. Subali't ang bawa't karamdama'ymaylunas. Kung siya'y dadalawinngsakitngulo, may lagnat, may sipon at nag-uubo, ang mga dahon ng halaman nito o ang mga bulaklak nito ay kanyang nilalaga. Matapos magpunas gamit ang pinagkuluang tubig, siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan, iinom ng tubig na pinaglagaan ng halaman. Natambad sa kaalaman ng madia ang lunas na idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangas kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.
Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan... kinuha sa salitang "Alaga raw," alag aaraw-araw ni Makirit ang halaman.
Tuesday, 17 March 2020
Subscribe to:
Posts (Atom)