Sunday 25 June 2017

Mahal kita, pero PAALAM NA

"Mahal kita, pero PAALAM NA "
by : Maraiah Watashi

Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Gumising ako ngayong araw na ikaw ang nasa isip ko. Ilang buwan na rin noong ipasiya kong itigil na ang relasyon natin. Malapit nang dumating ang ikatatlong buwan. July 15. Alam kong yun na lang naman ang hinihintay mo para maipagkalat sa lahat ng tao at sa social media sites na may bagong mahal ka na. Three months rule nga, ‘di ba?  Pero alam kong ito lang ang pinapakita mo sa ibang tao. Para hindi ka magmukhang masama lalo na sa mga kaibigan ko.

Hanggang sa puntong ito dinadalaw ko pa rin ang Facebook account mo. Hindi ko alam kung ano bang hinahanap ko doon. Marahil gusto ko lang makita ang mukha mo. Sobrang namimiss na kita kahit alam kong wala na akong silbi para sa iyo. Na hindi na ako ang mahal mo at hindi na ako ang namimiss mo.

Ang buong akala ko tapos na ako sa iyo. Buong akalang hindi ka na mahal. Hiniwalayan kita dahil sa pagmamalabis mo sa kabutihang ipinakita ko sa iyo. Pero buhat nang malaman kong may iba ka, poot ang nangibabaw sa puso ko. Paanong nagawa mo sa akin to? Dahil ba sa magkalayo tayo? Ilang beses mo ding itinanggi na wala kang iba, na ako lang, na iba ako sa lahat,  na mamamatay ka kung mawawala ako sa buhay mo. Ngunit anong nangyari? Buhay ka pa at may girlfriend pang bago. Hindi ko lubos maisip na ganun lang kadali lahat para sa iyo.

Oo, sinubukan ko ding makipagdate, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong ito.

Bakit? Hindi ba ako naging sapat para sa iyo? Nasakal ba kita? Sobrang naging mabait ba ako sa iyo?  Alam kong dapat itigil ko na lahat ng mga katanungang ito dahil wala ka na, wala nang sasagot sa mga ito. Ngunit heto ako napapaisip pa din kung anong meron siya na wala ako kaya mo ako niloko.

Sobra sobrang sakit ang naramdaman ko. Panghihinayang hindi sa relasyon natin kundi sa araw at panahon na sinayang ko saiyo. Sobrang nagagalit ako sa sarili ko. Umpisa pa lamang ay hadlang na ang magulang ko sayo ngunit Hindi ako nakinig. Ipinagpatuloy ko pa din ang lahat at sinikap na ayusin ang relasyon mo sa magulang ko.

Nasaktan ko siya nang labis. Nabastos at nawalan ako ng pagpapahalaga sakanya dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Pero nasa huli nga talaga ang pagsisisi at masasabi na lamang na, “mother knows best” nga talaga. Buong buhay kong pagsisisihan na minsan sinaktan ko ang damdamin niya dahil sa isang katulad mo.

Well masaya ka naman na ngaun sa bago mo. Alam kong tanggap ko na ang lahat ng ito. Ngunit sumusulat ako ng blog ngaun para mailabas lang lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit upang makapagsimula na akong muli At matapos na lahat ng paghihirap ko sa pagmamahal ko saiyo.

Ipagdarasal ko na lamang na sana, maayos mo na ang buhay mo at maging tunay kang masaya sa piling niya.

Nagpapasalamat ako sa pamilya mo dahil alam kong kahit wala na tayo ay ganun pa din ang trato nila sa akin. Isang kapamilya, kapatid.

Nagpapasalamat na din ako saiyo. Na minsan ipinaramdam mo ang pagmamahal mo kahit milya milya ang layo natin sa isa’t isa.

Mahal pa rin kita, pero paalam na

#MArayangNAsaktan
#MarayangIniwan

DALAWANG DAHILAN kung bakit tayo iniiwan ng mahal natin

DALAWANG DAHILAN kung bakit tayo iniiwan ng mahal natin
by: Maraiah Watashi

#1 NA FALL OUT OF LOVE
#2 TAPOS NA NILA TAYO GAMITIN
 

NA FALL OUT OF LOVE, 
iba’t ibang dahilan bakit na fall out of love ang isang tao, 1. Dahil siguro nasasakal na siya sayo. Grabe naman kasi mag girlfriend at boyfriend pa lang kayo ina-andres mo na siya, ayan tuloy nasakal siya sayo. 2. May nahanap na mas better, akala ko extinct na sila pero hindi eh ang dami pa din palang mga ahas na nakapalig na umaaligid sa mga taong mahal natin. 3. LDR, yes Landi Dito at Roon alam nang may karelasyon na, hala siya subok pa din ng subok, tuklaw pa din ng tuklaw kahit alam ng may masasaktan 4. LDR, totoo na to. Long Distance Relationship, yung sa screen nalang kayo nagkikita, umaga sa kanila at gabi naman sayo. Yung tipong lahat ng barkada mo may kasamang girlfriend/boyfriend at ikaw wala dahil malayo ng kayo sa isa’t isa, yung gusto mo ng physically present, siya pero hindi naman pwede kasi malayo nga kayo sa isa’t isa hanggang sa humanap ka nalang ng iba na kayang makipag clingy sayo at kung ano ano pa. at 5. Love fades, eto yung pinaka nakakagagong dahilan na narinig ko, yung tipong mahal kita pero hindi na katulad ng dati, parang nawawala na yung love ko para sayo. Hay nako hindi ko alam kung bakit pero alam ko pag mahal mo at tunay mong minamahal ang isang tao, hindi basta basta nawawala ang love.

 

NA TAPOS NA NILA TAYONG GAMITIN
, tapos na wala na. Tapos na ang panahon natin sa kanila, tapos na silang maging masaya, natapos na ang panahon ng pag-aalay nila ng pag-ibig saatin, tapos na wala na. Natapos na ang kwento na isinulat niyong dalwa, mga planong pinlano niyo, mga memories na ibinahagi sa isa’t isa, natapos na ang kwento sa dahilan na hindi ka na niya mahal, inalis na sa kanilang buhay, dahil natapos na nila tayong gamitin.

so guts. alam no na kung bakit?
i hope makabawas ng inyong pagiisip isip na kumng BAKIT NGA BA?

salamat sa nakrelate
please LIKE AND SHARE :)

Paano ka makaka-move kn kay EX?

"PAANO MAKAMOVE ON KAY EX "
BY : Maraiah Watashi

MADAMI ANG NAGSASABI NA KAPAG NAGHIWALAY ANG MAGKASINTAHAN AT MAGING ANG MAG-ASAWA AY HINDI BASTA BASTA nawawala ang pagmahahal.

Mahirap mag-move on ika nga lalo na kung umabot na sa mahabang panahon ang inyong pagmamahalan.

Kaya NAMAN NARITO ANG TIPS NI ALING MARAYA para sa mga bitter na hindi na talaga mareresolba ang pagmamahal ng magsing-irog.
  
Kung ikaw ang iniwanan, huwag ipilit ang sarili kung ayaw na talaga, magmumukha ka lang tanga at SIYA LAMANG ANG MAG BEBENIFITS NITO HABANG IKAW NAMAN AY NASASAKTAN. “ACCEPT THE REALITY NA ITS OVER”  

IIYAK MO LANG, PAG SOBRANG NA HURT KA NG TO THE HIGHEST LEVEL, HINDI MASAMA ANG UMIYAK KUNG NASAWI KA SA PAG-IBIG, KAHIT LALAKI KA NA NAGMUMUKHANG BOUNCER O KAYA WRESTLER IYAK KA LANG, KUNG NAHIHIYA KANG MAY MAKAKITA EH DI MAGTAGO KA SA CR TAPOS PAG MAY NAKAKITA EH DI SABIHIN MONG PINAPAWISAN ANG EYEBAG MO DAVA? NAKAKAGAAN KASI NG PAKIRAMDAM ANG PAG-IYAK …TRULILI YAN.
   
MAG VIDEOKE, KARANIWAN ANG MGA SAWI SA PAG-IBIG AY DINADAAN SA VIDEOKE AT KUMAKANTA NG, “SAAN-SAAN AKO NAGKAMALI.. O DI KAYA, “HOW DO HEAL THIS BROKEN HEART” HUWAG MONG KANTAHIN ANG LOVE SONG NIYO AHHH. ANG PAGKANTA KASI AY PARAAN PARA MAKALIMUTAN ANG MGA PAIT AT PASAKIT NA NARANASAN SA PILING NI EX.   

 LAYUAN MO NA XA KUNG GUSTO MONG MAKALIMUTAN;  I-DELETE ANG KANYANG NUMERO SA CELLPHONE, PATI ACCOUNT NYA SA FB AT TWITTER PARA HINDI MO MABASA ANG KANYANG MGA STATUS. BAKA KASI MA TEMPT KA PANG REPLAYAN IYUN. PERO MINSAN KASI KABISADO MO PA PATI PASSWORD ANG NUMBER NI EX KAYA I CONTROLL LAMANG ANG SARILI… 

PARA MAKALIMOT, HUWAG MONG HAYAANG MAKITA MO PA ANG MGA BAGAY-BAGAY NA NAKAKAALALA KAY EX TULAD NG REGALO AT KUNG ANIK-ANIK PA KASI MAGBABALIK KA LANG SA UNA AT MAG-EEMOTE NA NAMAN, LALO KA LANG MASASAKTAN, TRY MO KAYANG I-HUKAY NALANG O KAYA ILAGAY SA BAUL ANG MGA MEMORIES NI EX PARA HINDI MO NA MAKITA PA.

PAGBAGONG HIWALAY, LAPITAN DIN ANG IYONG MGA KAIBIGAN, HUWAG LANG MAGLALASING AT IBUHOS ANG SAMA NG LOOB KAY EX. HUWAG LANG BANGGITIN ANG MGA BAHO NIYO DALAWA “HAHAHAHA”
  
 MAGING MALAPIT SA INYONG PAMILYA, SILA KASI ANG MAKAKATULONG SA INYO SA KUNG ANO ANG DAPAT AT MALI KAHIT NAKAKAIRITA MINSAN NA PAULIT ULIT ANG KANILANG MGA ADVICE. ‘tAMA BA?” 

HUWAG NA HUWAG KANG MAG-HIHIGANTI, KASI HINDI MAGANDA IYUN DAHIL LALO MO LANG SINASAKTAN ANG IYONG SARILI, ANG DAPAT GAWIN, KUNG NAITAPON NA SA BASURA EH HUWAG MO NG PULUTIN AT I RECYCLE PA KASI BULOK NA, HINDI MAGANDA ANG BITTER!

AT PARA LALONG MAKA MOVE-ON MAKINIG KA NG WANTED SWEET HEART NI PAPA DAN SA BARANGAY LS, MAGHANAP KA NA NG BAGO MONG LOVE-LIFE  AT  BE READY TO FLIRT AND DATE AGAIN.

LOVE YOUR SELF, MAHALIN ANG SARILI HUWAG NA HUWAG MONG SASAKTAN ITO AT HUWAG MONG GIGILITAN O TANGKAING MAGPAKAMATAY, ANG SUiCIDAL ATTEMPT AY HINDI MAGANDA AT HINDI RIN NAKAKATULONG PARA MAKALIMOT, BAGKUS KAUSAPIN ANG SARILI AT SABIHIN MONG, “ANG GANDA KO PALA BAKIT KO PA SIYA INIISiP, hinahanap AT BABALIKAN?,” TSE! GANUN DAPAT ANG ATTITUDE. REMEMBER HINDI LANG IISA ANG LALAKI AT BABAE SA MUNDO MADAMI SILA OK!

ayan na naman. May natutunan na naman kayo kay ate mo girl mataya. Sana may matutunan kayo 😂😂😂

Paano mo malalaman na INLOVE KA?

"Paano mo malalaman na INLOVE KA "
by : Maraiah Watashi

Narito ang ilan sa mga senyales o sintomas  na based on experience na ikaw ay posibleng nahuhulog na sa kanya.

* Hanggang langit ang saya mo kapag nandyan lang siya at parang gusto mong tumigil ang oras kapag kasama mo siya. Yung tipong ayaw mo na siyang pauwiin sa kanila at gagawa at gagawa ka ng paraan para mapatagal pa ang oras ng pagsasama niyo, tulad ng pagsakay sa MRT mula Taft hanggang North Edsa vice versa infinite ride hanggang magsarado.
* Komportable ka sa kanya pero di mo maiwasang mahiya at kabahan na tipong bumibilis ang tibok ng puso mo, parang nakasakay sa Space Shuttle na walang seat belt pero sa loob loob mo may namumuong kilig na ewan na hindi maipaliwanag.
* Nag-aasaran kayo, inaasar ka niya, inaasar mo siya, kahit tawagin ka niyang panget okay lang sayo dahil alam niyo sa isa’t isa na yung asaran na yun ay nagiging lambingan niyo na. Ang cute di ba?
* May mga pagkakataong nagiging #medyostalker ka, gusto mo lagi mong inaabangan yung mga posts niya sa Facebook, nagba-back read ka ng mga tweets at wala kang pinalagpas na picture niya sa Instagram na hindi mo nila-LIKE. Weird, pero normal na pagdaanan mo ang stage na yan.
* Habang binabasa mo ang blog na’to naiisip mo siya.
Meron siyang sariling notification alert sound sa text o ibang app messaging sa phone mo para sa tunog pa lang alam mo nang siya ang nag-message sayo.
* Napapangiti ka na lang mag-isa kapag gamit mo ang phone mo, kahit magmukha kang tanga sa mga katabi mo at sa ibang nakakakita sayo, okay lang.
* Gusto mong malaman yung mga personal na katayuan niya sa buhay, tulad ng kung anong middle name niya, paborito niyang ulam, family background, childhood memories, at kahit ano pang ikwento niya sayo, gustong gusto mong makinig o makabasa ng message kahit abutin pa kayo ng madaling araw.
* Kapag nagme-message ka sa kanya ng “kumaen ka na?”, okay lang yun pero yung may kasunod na “Huwag ka papagutom,” yun!
* Minsan isang gabi nakatulugan mo siya habang kausap sa phone o ka-chat, pero kinaumagahan, super sorry ka sa kanya kahit wala lang sa kanya yun.
* May isang bagay kayong napagkakasunduang pagkwentuhan tuwing magkikita kayo o magkakausap sa phone, wala sa kung maliit o malaki o sa kung gaano kaimportante ang mga bagay na pinag-uusapan niyo, mula sa kwentong balakubak hanggang sa paborito niyong tv show, basta ang mahalaga sayo, nakakausap mo siya.
* May mga kanta na kapag naririnig mo bigla mo siyang naalala.
* Ayaw mong matapos ang araw na hindi mo siya nakakausap o kahit text at chat man lang. Dahil siya na ang naging “good” sa night at morning mo.
* Kapag nagkwento siya sayo ng mga bagay na alam niyang mate-turn off ka sa kanya at hindi ka na-turn off. Isa lang yan sa mga signs na unconditonal love yang nararamdaman mo para sa kanya.
* Nakakaramdam ka ng selos, lalo na kapag kasama niya yung mga close friends niya kasi iniisip mo na sana nandun ka  o sana ikaw na lang ang  kasama niya. – #medyoselfish
* Kinikilig ka lagpas atmostphere (o kahit konti) sa korni jokes at banat niya sayo. * Tanungin ka ba naman niya  ng, “Anong tawag sa maliit na pusit? …edi psst!” 🙂
* Simpleng lugar lang ang mga pinupuntahan niyo pero kapag kasama mo siya para sa’yo ay nagiging espeyal.
* Nakapunta ka sa blog na’to at kanina ka pa pangiti-ngiti dyan.
Ngayon alam mo na. Nasa sa iyo na yan kung paano mo ipagtatapat yan sa taong mahal mo. Pero tandaan mo senyales lang yan na “ikaw ay naiin-love na sa kanya” hindi ng “siya ay naiin-love sayo.” 🙂

Minsan tatanungin mo sa sarili, anong meron sa kanya at kinahumalingan mo ng lubos na tila napana ka ni Kupido ng paulit-ulit. Ang pag-ibig nga naman… ang sabi ng iba Love is blind,  ang sabi naman ng ilan Love is not blind. We just don’t see things like love does.  🙂

BONUS NI ALING MARAYA  – Nakagawa ka ng ganitong klaseng blog na tungkol sa pag-ibig, agad agad, biglaan at walang intro-intro pang nalalaman 😂😂😂

#ImInlove
#YesIDo

Thursday 22 June 2017

Kwentong Ama

"Kwentong Ama"
by Maraiah Watashi
Tatay:Naku,Handa kana ba sa pagpasok mo ngaung araw?( Yan ang Bumungad agad mula
sa aking tatay)
Anak:Oo,handa na ako..at huwag na huwag mo akong tatawaging anak sa school.. Nkakahiya
kaya..
Tatay:Oh,Sge anak kung yan ang magpapasaya sayo.Sa School
Anak:Papasok na ko..
Tatay:Ingat ka anak ko
Anak:Sinabi nang wag mo Kong tatawaging
anak.. Ang kulit din ano..Umuwi kana ang Baho
baho mo nakakahiya ka..

A Long Lasting Love (part 10)

Boy: ano pa misis?
Girl: pagkatpuz nang nangyari sakin na buntis ako ng di nalaman sino ang ama at don araw araw sinusuntok ako ng matanda nayon ginawa nya akong punchingbag ..kaya nag disisyon akong lumayas maliit pa tyan ko non..pero na tunugan ako ng matanda nayon kaya ang ginawa nya tumawag sya ng pulis at pinagkamalan na nagnakaw ako ng malaking halaga ..

A Long Lasting Love (part 9)

Boy: (umiiyak) ma..bakit mo pa ako iniwan sa mga panahong sawing sawi ako.. alam mo namang kaw lang natatakbuhan ko eh..mah patawad kung iniwan kita at inuna ko ang minamahal ko sana maintindihan ko ako.. patawad ma..
unknown: oi.. bata kaw ba anak ng kapatid ko?
Boy: ako nga bakit?....

A Long Lasting Love (part 8)

Girl: ayaw..mo di huwag ..di ko.na ako.makikita bukas..
Boy: (NALILITO).Mama:..anak..puntahan mo na sya..
Boy: pero ma..Mama: anak..alam.ko nararamdaman mo kaya puntahan mo.na sya..
Boy: papano ka ma..Mama: kaya ..ko sarili ko at di na ako.mag tatagal..
Boy: ( niyakap nya mama nya) .Ma..sorry ma mahal na mahal.ko kasi sya.. i love you..ma

A Long Lasting Love (part7)

Girl: wala! ok lang yon.. na badtrip lng naman ako sayo eh..
Boy: bakit ka ganyan..nag bago kana di ka naman ganyan dati ah..
Girl: ano paki moh kung nag babago ako ha?
Boy: (UMIIYAK AT NIYAKAP BIGLA SI GIRL) plsss..bumalik kana sa dati yong dating gf ko na napaka sweet at mapagmahal..
Girl: bitawan mo nga ako..

A Long Lasting Love (part 6)

.Mama: anak ano problema mo?
Boy: wla.ma..Mama: mag lulukuhan paba tayo dito?.
Boy: alam mo nong nakilala ko sya nag iba ang buhay ko napakalaki ng pinagbago ko..naramdaman ko talaga pinag bago ko .. at mahal na mahal ko sya di ko alam ano gagawin ko pag nawala sya..pero.ngayon ma nag bago sya ..malaki na pinagbago nya..(NIYAKAP NYA MAMA NYA) ma hindi

A Long Lasting Love (part 5)

Old2: pwede mahingi number mo?
Girl: ok poh..ito oh 0918*********
Old2: pangit ng cp moh.. halika nga sama ka sa mall......(SUMAKAY SILA SA KOTSE ).....
Old2: pili ka san gusto mo jan?
Girl: ha..eh ang mahal naman nito..

A Long Lasting Love (part4)

Boy: hellow. bakit poh..Unknown: bilis mama mo inatake andito sya sa hospital......(MABILIS TAKBO NI BOY AT SUMAKAY SA TAXI)....
Boy: ma..ma..Mama: oh anak..bakit ka umiiyak?
Boy: ma..akala ko napano kana..huhuhu..

A Long Lasting Love (part 3)

.( LUMIPAS MGA ARAW NA NAG KALAPIT NA ANG LOOB NILANG DALAWA AT KOMPORTABLI NA SA ISAT ISA)....
Boy: kaylan mo ba ako sasagutin?
Girl: haha.. matagal pa noh..papahirapan muna kita..
Boy: di kaba naawa sakin?

A Long Lasting Love (part2)

( MGA BANDANG 4PM NAG KITA SILA AT PUMUNTA NA SA BAHAY NI GIRL)....
Friend: tao..poh..pinsan buksan mo naman to oh..
Girl: ano bah ginagawa mo dito?! (NAKAKUNOT NUO)
Friend: manunuod ng sayaw nyo..heje sya nga pala pinsan kasama ko kaybigan koh..
Boy: hai..hello ;)

A long lasting love (part 1)

A long lasting love
by : Maraiah Watashi
Boy: oi.. may load bah kayo?
Girl: meron magkano?....(NATULALA SI BOY DAHIL NAPAKAGANDA NI GIRL )...
Boy: ah..eh.... 15 lang poh..

"Iba't ibang nararamdaman kung ikaw ay umiibig"

"Iba't ibang nararamdaman kung ikaw ay umiibig"
by : Maraiah Watashi
IKA nga nila, pagdating sa pag-ibig marami ang naloloka. Naloloka dahil iba’t ibang damdamin na hindi naman maipaliwanag ang kanilang nararamdaman. Pero sabi naman ng mga romantiko, tanging puso lang daw ang nakakaalam kung ito ba ay pag-ibig o paglilibang lang.
Kaya kung nais malaman kung talagang pag-ibig na ang nararamdaman, narito ang ilang tips!
BILIS NG TIBOK NG DIBDIB–––Sabi nga nila kapag pag-ibig na talaga ang nadarama, tiyak na tuwing makikita ang taong pinaglalaanan ng damdaming ito, asahang ang bilis ng tibok ng dibdib ay bumibilis ng doble. ‘Yan ay dahil sa magkahalong pakiramdam tulad ng saya excitement, kilig at kung ano-ano pa.
PANLALAMBOT EFFECT–––Ang tunay na pag-ibig ay nagdudulot ng panginginig, panlalambot at kung ano-ano pang damdamin lalo kapag ang mahal ang kanilang katabi.
SILA LANG ANG NAIS NA MAKASAMA–––Madalas kapag in love ang sinuman, asahang ang kanilang mundo ay iikot lang sa taong nais nilang makasama sa bawat sandali. Kaya nga ‘di ba minsan, nase-set aside ang ibang mahal sa buhay dahil na rin sa katotohanang ang iyong mundo ay hindi na para sa kanila kundi higit sa taong pinaglalaanan na ng kanilang buhay.
WALANG IBANG NAIS KUNDI ANG PASAYAHIN SILA–––Ang tunay na pag-ibig ay hindi nananakit, hindi nagpapaiyak at lalong hindi nang-aabuso. Dahil ang tanging nalalaman ng taong tunay na nagmamahal ay kung papaano nila mapapasaya ang kanilang kapareha.
KAKULANGAN KAPAG WALA SILA–––Sounds corny pero totoong ang taong tunay na nagmamahal ay walang ibang hangad kundi ang makasama ang kanilang pinakamamahal. ‘Yun bang pakiramdam na hindi lang magkita ng ilang araw ay nagkakaiyakan na kapag muling nagkita at nagkasama? Corny mang pakinggan pero ‘yan ang totoo.
LAHAT AY NASASABI SA KANILA––––Ang tunay na pag-ibig ay walang sikreto o lihim.
Kumbaga, lahat ng bagay ay napag-uusapan. Hindi lang kasi bilang nagmamahalan ang kanilang turingan kundi magkaibigang magkaagapay sa lahat ng pagkakataon.
KAPAG SINABI ANG ‘I LOVE YOU’ TOTOO–––Ika nga, madaling sabihin ang mga katagang ‘I love you’ o ‘mahal kita’ pero ang panindigan ito ay mahirap at kailangan ng maraming mga patunay. Pero sa tunay na nagmamahal, ang pagsasabi ng mga katagang ito ay nararamdaman at sumusuot sa kaibuturan ninuman.
So yan. May natutunan na naman kayo kay aling Maruya 😀😀
Sa susunod ulit 😁
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Translate